Sunday, September 18, 2016



 Sa mayamang lupa iyong matatagpuan
 Isang munting pugad, pangalawang tahanan
 Na nababalutan ng mga pangarap
 Dito ko nakita ang unang liwanag.

 Itong munting pugad ay walang katulad
 Ang pagkatao ko'y dito lubos namulat
 Puno ng halakhakan pati karunungan
 Na nakaukit sa aking puso't kaisipan.
 Hindi malilimutan itong pangalawang tahanan
 Na nagturong masdan ang lupang ibabaw.