Thursday, November 3, 2016

Ating samahan ni Jamie Izza Bactong

Mga tawanang walang humpay
Mga biruang walang kwenta
Mga asarang tila wala ng bukas
At mga tuksuhang di na masakyan

Sa mga galang biglaan
Hindi magkasundo sa patutunguhan
Minsa'y pumasok ang matinong usapan
Pagkat isang miyembro ay problemado

Dahil sa kanila
At mga payo nilang minsa'y nagiging kalokohan
Kailangan man ay hindi maiimbento ang salitang kaibigan
Hindi magagawa ang salitang samahan

Samahan na hindi mapapalitan
Pagkakaibigan hindi mapapatayan
Kasayahang kailanman ay hindi mabibili
At kalokohang hindi matatawaran

Millennial na kabataan (Talumpati) ni Jamie Izza Bactong


     Ang mga kabataan sa panahon ngayon, ang bilis bilis paniwalain ang mga sarili nila pinaasa sila ng hindi man lang pinagtutuunan ng pansin ang isang sitwasyon. Kulang nalang magpatayo ngsariling dambana at magparibbon cuttin kasi aila daw yung sinaktan, niloko at pinaglaruan ang damdamin. Kapag na-fall agad at hindi naibalik yung lebel ng emosyon na inilaan mo para sa kaniya, PINAASA KA AGAD? Hindi ba pwedeng wala ka lang "proper training" sa baluktot mong nararamdaman? Pero teka bago mo sabihing PINAASA KA in all caps. Itanong mo muna sa kaibuturan ng 'yong puso, "Binigyan ka nga ba ng motibo o namisinterpret mo?" o "Pinaasa ka nga ba?" o "Nag-assume ka lang talaga?" Magsolve ka kayang ng maraming math problems para malaman mo kung  kelan o dapat at hindu dapat mag- assume. Siguraduhin mo din munang well-updated siya sa nararamdaman mo bago mo ipagsigawan sa buong mundo na pinaasa ka nga talaga, hindi yung damang dama mo yung pagiging "self proclaimed - pinaasa." Alamin mo din yung paraan ng pakikitungo niya sa iba sa kung paano ka niya itrato para hindi ka agad nagfefeeling-special. Hindi kasi porket komportable ka sa mga bagay na ipinapakita niya, hahayaan mo nalang na mahulog ka ng basta-basta. Tandaan mo, hindi lahat ng tao mag aadjust sa kakitiran ng nararamdaman mo, Ikaw ang responsable sa kung paano mo iiinterpret ang mga bagay bagay. Wag mong gamitin ang pagiging "hopeless romantic"  mo para mas maging "hopeless romantic" ang isang sitwasyon. At kung sa simula pa lang may feeling kana sa kanya, masy postibo na lahat o kahit anong gawin niya ay malalagyan mo ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala naman talagang kahulugan at higit sa lahat wag kang masyadong padalos-dalos, kape kape din kahit 3-in-1. Hindi lahat ng minamahal mo, mamahalin ka.
    Hindi kasalanan ng kahit sino kung marupok yang damdamin mo. Ikaw ang nay pananagutan sa bawat ugat na nakakonekta diyan sa puso mo kaya wala kang karapatang isisi sa iba ang nararamdaman mo, kung mya nagawa man siya sayo para magkaganyan ka karamihan parin nun ay kagagawa mo dahil hinayaan mo. Minsan kase hindi naman talaga tayo pinapaasa, "Mas ginugusto lang nating umaasa." kasi mas gusto natin na may sinisisi bukod sa sarili natin dahil doon natin mas nararamdaman na mas nag mamahal tayo.

   Ikaw sigurado ka bang may proper training ka para sa baluktot mong nararamdaman?
Maraming salamat po sa pakikinig. Muli, isang magandang umaga po sa inyong lahat.

Ako ay ang aking kaibigan (Dagli) ni Jamie Izza Bactong

       
           Agad akong humiga pag dating ko sa aking silid. Doon ay nakita ko siya, ang aking kaibigan tulad ng dati umiiyak nanaman siya hanggang ngayon pala hindi niya pa din malimutan. Tiningnan ko siya ng may pag aalala sa aking mga mata  at agad naman siyang bumawi ng tingin sa akin ngunit ang kaniyang mukha ay tila walang ekspresyonl bakas parin ang mga sugat ng kahapon pati na ang mga pasang dumampi sa kaniyang makinis na balat. Hindi ko na alam kung paano ko siya matutulungan. Lahat na ata ng alam kung paraan nagawa ko na ngunit hanggang nhayon ganun parin siya. Sinigawan ko siya sabay sabing "Tama na. Maawa ka naman sa sarili mo, tumigil kana. Ako ang nasasaktan para sayo." Ngunit tila wala siyang narinig at hindi man lang ako pinansin. Katahimikan ang namayani ng sandaling iyun. Maya maya ay nagsalita siya "May mga naririrnig akong boses." Di ako nagsalita sa halip ay niyakap ko siya, "Labanan mo sila, alam kong mas malakas ka sa kanila." Sabi ko nhunit nagwala siya, nagsisisigaw at mamaya ay tatawa naman. Tiningnan ko siya sabay patak ng luha sa aking mga mata, iba na siya hindi na siya ang dating kaibigan ko. Hindi ko na nga siya kilala eh, naiinis ako sa sarili ko dahil di ko siya matulungan kaya sa inis ko nabato ko aiya ngunit kasabay nun ay umalingawngaw ang isang malakas na tunig, napatingin ako sa bahagi ng salamin na nabasag. Nakita ko ang kaibigan ko, nakita ko ang sarili kong replika.

Bigong Tula ni Jamie Izza Bactong

Hindi ko alam kung paano ito sisimulan
Hanggang mga salitang ito'y nabigkas
Na galing sa kaibuturan ng aking puso
Para sa pagbibigay ng buhay sa tulang ito

Mga salita'y tila naging mailap at pagod
Ngayo'y kailangan kong magmadali
Upang makahanap ng bagay na kayo'y maaakit
Para mga mata niyo'y lumuha ng bahagya

Kailangan ko nga ba ng inspirasyon?
O kaya'y gamitin nalamang ang aking imahinasyon?
Hindi ko alam, ako'y naguguluhan
Siguro'y matatatapos ko ito na ako'y nagpapawis

Kaibigan ni Jamie Izza Bactong

Ako'y iyong iningatan
At inilayo sa kapahamakan
Na laging nakaagapay
Tunay nga kitang kaibigan

Wag kang mag-alala
Kahit marami pang iba diyan
Mananatili sayong tapat
Pagkat ika'y iba sa lahat

Ipapangako sa'yo
Saan mab magtungo
Palaging aalalahanin
Mga panahong tayo'y nagsasama pa

Para Sayo, Guro ni Jamie Izza Bactong

Iyong binigyang kalinawan
Mga kabataang iying tinuturuan
Ikaw ang siyang humubog sa katalinuhan
Ang gumabay sa kanilang patutunguhan

Taglay nakin ang iyong kaalaman
Na ipapasa sa'min ngayon
Iyong pagtuturo'y hindi malilimot
Ating kahapon ay tatandaan ko

Pasasalamat sayo'y magpakailanmab
Aral mo'y dala saan man ang punta
Itong tula ay para sa iyo
Pakatatandaan iyong mga turo

Estudyante (Tulang Pastoral) ni Jamie Izza Bactong


Sistemang paulit ulit ay nakakapanghal,
Lunes, Martes, Miyerkules, Huwebes, Biyernes, Sabado at Lingo.
Tila ba gustong pigilan ang oras sa pagtakbo,
Pare, tinatamad ako pagkat bukas lunes nanaman.

Sa oras ng klase wari'y wala pa sa sarili,
At nang ika'y tawagin lagot, walang masagot!
Mga magulang minsa'y masuspensya,
Akala nila'y nagbubulakbol,
Yun pala'y sa deadline ika'y naghahabol.