Thursday, November 3, 2016

Ako ay ang aking kaibigan (Dagli) ni Jamie Izza Bactong

       
           Agad akong humiga pag dating ko sa aking silid. Doon ay nakita ko siya, ang aking kaibigan tulad ng dati umiiyak nanaman siya hanggang ngayon pala hindi niya pa din malimutan. Tiningnan ko siya ng may pag aalala sa aking mga mata  at agad naman siyang bumawi ng tingin sa akin ngunit ang kaniyang mukha ay tila walang ekspresyonl bakas parin ang mga sugat ng kahapon pati na ang mga pasang dumampi sa kaniyang makinis na balat. Hindi ko na alam kung paano ko siya matutulungan. Lahat na ata ng alam kung paraan nagawa ko na ngunit hanggang nhayon ganun parin siya. Sinigawan ko siya sabay sabing "Tama na. Maawa ka naman sa sarili mo, tumigil kana. Ako ang nasasaktan para sayo." Ngunit tila wala siyang narinig at hindi man lang ako pinansin. Katahimikan ang namayani ng sandaling iyun. Maya maya ay nagsalita siya "May mga naririrnig akong boses." Di ako nagsalita sa halip ay niyakap ko siya, "Labanan mo sila, alam kong mas malakas ka sa kanila." Sabi ko nhunit nagwala siya, nagsisisigaw at mamaya ay tatawa naman. Tiningnan ko siya sabay patak ng luha sa aking mga mata, iba na siya hindi na siya ang dating kaibigan ko. Hindi ko na nga siya kilala eh, naiinis ako sa sarili ko dahil di ko siya matulungan kaya sa inis ko nabato ko aiya ngunit kasabay nun ay umalingawngaw ang isang malakas na tunig, napatingin ako sa bahagi ng salamin na nabasag. Nakita ko ang kaibigan ko, nakita ko ang sarili kong replika.

No comments:

Post a Comment