Ang mga kabataan sa panahon ngayon, ang bilis bilis paniwalain ang mga sarili nila pinaasa sila ng hindi man lang pinagtutuunan ng pansin ang isang sitwasyon. Kulang nalang magpatayo ngsariling dambana at magparibbon cuttin kasi aila daw yung sinaktan, niloko at pinaglaruan ang damdamin. Kapag na-fall agad at hindi naibalik yung lebel ng emosyon na inilaan mo para sa kaniya, PINAASA KA AGAD? Hindi ba pwedeng wala ka lang "proper training" sa baluktot mong nararamdaman? Pero teka bago mo sabihing PINAASA KA in all caps. Itanong mo muna sa kaibuturan ng 'yong puso, "Binigyan ka nga ba ng motibo o namisinterpret mo?" o "Pinaasa ka nga ba?" o "Nag-assume ka lang talaga?" Magsolve ka kayang ng maraming math problems para malaman mo kung kelan o dapat at hindu dapat mag- assume. Siguraduhin mo din munang well-updated siya sa nararamdaman mo bago mo ipagsigawan sa buong mundo na pinaasa ka nga talaga, hindi yung damang dama mo yung pagiging "self proclaimed - pinaasa." Alamin mo din yung paraan ng pakikitungo niya sa iba sa kung paano ka niya itrato para hindi ka agad nagfefeeling-special. Hindi kasi porket komportable ka sa mga bagay na ipinapakita niya, hahayaan mo nalang na mahulog ka ng basta-basta. Tandaan mo, hindi lahat ng tao mag aadjust sa kakitiran ng nararamdaman mo, Ikaw ang responsable sa kung paano mo iiinterpret ang mga bagay bagay. Wag mong gamitin ang pagiging "hopeless romantic" mo para mas maging "hopeless romantic" ang isang sitwasyon. At kung sa simula pa lang may feeling kana sa kanya, masy postibo na lahat o kahit anong gawin niya ay malalagyan mo ng ibang kahulugan ang mga bagay na wala naman talagang kahulugan at higit sa lahat wag kang masyadong padalos-dalos, kape kape din kahit 3-in-1. Hindi lahat ng minamahal mo, mamahalin ka.
Hindi kasalanan ng kahit sino kung marupok yang damdamin mo. Ikaw ang nay pananagutan sa bawat ugat na nakakonekta diyan sa puso mo kaya wala kang karapatang isisi sa iba ang nararamdaman mo, kung mya nagawa man siya sayo para magkaganyan ka karamihan parin nun ay kagagawa mo dahil hinayaan mo. Minsan kase hindi naman talaga tayo pinapaasa, "Mas ginugusto lang nating umaasa." kasi mas gusto natin na may sinisisi bukod sa sarili natin dahil doon natin mas nararamdaman na mas nag mamahal tayo.
Ikaw sigurado ka bang may proper training ka para sa baluktot mong nararamdaman?
Maraming salamat po sa pakikinig. Muli, isang magandang umaga po sa inyong lahat.
ano ba yung proper training na yan?
ReplyDelete